Ken at Rita, masaya na kabilang sa MMFF 2021 ang pelikula nilang ‘Huling Ulan sa Tag-Araw’
Labis ang tuwa nina Rita Daniela at Ken Chan nang makasali sa Magic 8 ng Metro Manila Movie Competition 2021 ang pelikula nilang “Huling Ulan sa Tag-Araw.”
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA Information “24 Oras” nitong Martes, sinabing nasa kalagitnaan ng pandemic nang gawin nina Rita at Ken ang pelikula.
“Sabi ni Direk Louie ‘Halikayong dalawa, halikayong dalawa! Might balita ako, nakapasok tayo sa MMFF!’ Nagtalunan kaming tatlo,” kuwento ni Ken.
“Sobrang nagsisisigaw kami roon sa loob ng studio talaga ng GMA. Kasi siyempre ang sarap sa feeling at makita na nakikita namin ‘yung pangalan naming dalawa ni Ken nandu’n sa malaking display screen. Lalo pa nu’ng nakita namin ‘yung lineup, The Magic 8 na tinatawag nila,” ayon naman kay Rita.
Excited sina Ken at Rita sa isasagawang fluvial Parade of Stars dahil alam nilang sobrang sikat ang MMFF Parade of Stars at gusto nilang makaranas na sumakay sa float.
Higit sa lahat, gusto nilang mapanood ng mga tao ang kuwento at ang magandang pagkakagawa ng “Huling Ulan sa Tag-Araw.”
“Ang daming nagtatanong bakit iba-iba ‘yung wig ni Rita rito, ‘yung buhok niya, could mga eksena na colour pink, minsan violet, minsan white, minsan yellow. ‘Yon ang abangan niyo,” sabi ni Ken. —Jamil Santos/FRJ, GMA Information